Tuesday, March 14, 2017

Cloud 9 view

That view! Okay, It's so calm and relaxing right?
FAQ: How to get there?

(Okay, doon na tayo sa totoo, mahirap panindigan 'yung english bes!)
Edi ito na nga, pumunta kami dyan ng naka-motor.
From Marikina to Antipolo, where the Cloud 9 is located.
Famous itong pasyalan ng mga mag-jowang gustong tumakas
Sa mapang-husgang mundo. (Sabeh??


 Madali lang naman pumunta dito, kung manggagaling ka ng cubao,
Sumakay ka ng pa-Antipolo at sabihin mo ke manong drayber pakibaba
Ka sa Cloud 9. Alam na nila yown!


Syempre! Syempre! Nag-selfie muna kaming mag-anak. Una kasi naming punta dito kami lang mag-asawa. Tinakasan namin si bagets. Natulog kasi sila sa school. 

Anyways, Masaya naman doon at maraming magbabarkada at magpapamilyang namamasyal. By the way may mga restaurant dito na pwede nyong kainan, 280/head makakain ka na, at wala ka ng babayarang entrance sa view deck. Kung walk-in ka naman, maaari mo pa ring maenjoy ang view sa itaas sa halagang 50petot per head. Libre ang mga batang may edad 12 pababa. 

And yes! Maaari mo ng ma-experience ang pagtulay sa hanging bridge, don't you worry it's safe naman at matibay. Kapag nasa itaas ka na! Selfie na bes! At mag-emote ka na! Huwag ubusin ang oras sa kaka-selfie dahil baka di mo na maenjoy ang kagandahan ng tanawin mula sa itaas. Maraming Salamat!